Go To Top

Barkada Lyrics

Heto na ang mga officials ng barkada
Kanya-kanyang kalokohan ang bawat bida
Merong medyo praning
Meron din ang antukin
Kumpleto sa rekado ang barkada namin

Pinagtagpotagpo kami ng tadhana
Kahit pinanggalingan namin ay iba iba
Walang pakialam kung san mapadaan
Basta't sabay-sabay kaming nagtatawanan

Basta nanjan ang bawat miyembro ng tropa
Ang kalokohan ay di mawawala
Hindi na dapat pinag iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya

Musmos palang magkakasama na kami
Nagkasundo kahit iba't ibang ugali
Ganyan lang talaga saming munting barkada
Kasa-kasama mo sa hirap at ginhawa

Magkasabay mula sa pagsikat ng araw
Magkasama hanggang daigdig ay magunaw
Sa dami-dami ng aming napagdaanan
Walang tatalo sa aming pinagsamahan

Di na yata magsasawa
Sa 'ming pagsasamasama
At sa aming barkada
Asahan ng hindi mawawala
Ang kalokohan at ang walang
Tigil na tawanan sapagkat
Ang bawat kabarkada namin ay sadyang ganyan

Barkada Lyrics performed by Parokya Ni Edgar are property and copyright of the authors, artists and labels. You should note that Barkada Lyrics performed by Parokya Ni Edgar is only provided for educational purposes only and if you like the song you should buy the CD


What is the meaning of Barkada lyrics?