Go To Top

Choco Late Lyrics

Di ba't sinabi mo sa akin dati
Na mahirap kumain ng tsokolateng
Natunaw at parang wala nang korte
Kadiri nang kainin, mukha nang ta
Ewan ko ba kung bakit mahirap ibalik
Sa original na hugis pag
Nalusaw na sa init

Chorus 1
Parang tiwala pag nasira na
Mahirap nang ayusin pa
Di kayang ipagdikit
Ang tiwala pag napunit
Parang nangyari kailan lang...
Meron akong nakitang nakatagong regalo sa likod ng kotse mo
Hugis puso na kahon, at may red na ribbon
Mamahaling toblerone at,
Noong aking tingnan, para sa iyo mula kay Christian
Agad kong binuksan, tsokolate ang laman
At di ko malaman kung ba't kailangang
Itago sa akin ang katotohanan
Ang dami-dami mo palang tsokolate,
Di ka man lamang nagsasalita


Ewan ko ba kung bakit hindi ko napigilan
Ang regalo mo'y naubos ko
Nang di ko nalalalaman

Chorus 2
Parang tiwala pag naubos na
Bigla-biglaan talaga
Mahirap nang makita
Kapag minsa'y nawala
At kahit na pilitin, di mo na mapapalitan,
Kahit hanap-hanapin, di mo na mababalikan,
Kahit sabihin natin na ika'y mapagbigyan,
Huwag na lang...
Ewan ko ba kung bakit
Mahirap tanggalin ang tsokolate
pag natunaw at
kumapit na sa ngipin
Parang tiwala pag namantsahan na
Mahirap nang linisin pa
Di kayang burahin
Kahit na anong gawin
Parang tiwala...

Choco Late Lyrics performed by Parokya Ni Edgar are property and copyright of the authors, artists and labels. You should note that Choco Late Lyrics performed by Parokya Ni Edgar is only provided for educational purposes only and if you like the song you should buy the CD


What is the meaning of Choco Late lyrics?